"SIMPLENG BAGAY NA AKING MAGAGAWA PARA SA PAGMAMAHAL SA BAYAN"




Kahalagahan sa pagmamahal sa bayan, pagmamahal, isang salita na minsa'y dapat nating panindigan at bigyang halaga. Lalo na kung ang pagmamahal na ito ay para sa bayan. Kahalagahan, salita na siyang dapat nating mas binibigyang pansin lalo na sa ating bayan. Kahalagahan at Pagmamahal ang kailangan natin para sa ating bayan, dalawang salita na siyang dapat nating binibigyang importansya o halaga. Pagiging tapat at pagiging makatotoo ang tanging hangad natin para sa ating bayan, hindi ang kasinungalingan at mga salita na wala sa gawa. 


1. "PAGLILINIS SA KAPALIGIRAN"

Paliwanag: Upang maiwasan ang mga basura na nakatambak sa ating kapaligiran, dapat natin itong linisin alang-alang sa ating komunidad, at upang maiwasan narin ang pagbabaha sa ating silid komunidad mas mabuti nang bigyan natin ito ng pansin upang maiwasan ang pagtatapon ng mga basura at kung ano ano man sa ating kapaligiran.

Larawan: 


2. "RESPETO SA PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS"

Paliwanag: Pambansang Awit ng Pilipinas na siyang nirerespeto ng mga pilipino. Kailangan natin ito respetuhin dahil bilang isang Pilipino. Ito ay nilikha ni Gen. Emilio Aguinaldo kay Juan Filipe noong 1988 na siyang pinangalanang "Marcha Filipina Magdalo". bilang isang matuwid na Pilipino nirerespeto ko ang awiting ito dahil simula noong nag-aaral ako eto ay laging nasa umagang seremonya ng aming paaralan.

Larawan: 


3. "PAMIMIGAY NG BIGAS"

Paliwanag: Importante para sa akin na mabigyan ng bigas ang ibang mga tao dahil naaawa ako sa mga nakikita kong mga taong nakatira sa gilid ng kalsada upang manlimos ng makakain nila. Hindi ko man magawa ito ng personal ngunit mangangako ako sa sarili ko na sa aking paglaki, mamimigay ako ng mga pagkain o bigas sa mga taong nangangailangan, bakit? kasi hindi kinakaya ng sikmura ko ang makita silang nahihirapan at ni minsa'y napapaisip ako kung bakit kailangan itong mangyari sa ating bayan.

Larawan: 










 

Comments

Popular posts from this blog

SEKTOR NG LIPUNAN