"DAY OFF"


ang ating mga nanay ay dapat nating pahalagahan dahil hindi mo alam kung gaano kapagod ang ginagawa nila araw-araw na sa pag-gising nila sa umaga sila ay sume-serbisyo at sinisimulan ang kanilang gawaing bahay.

sa video na ito, binigyan ko ng day off ang aking nanay, na kung saan ako ang gagawa sa lahat ng mga gawaing bahay na siyang ginagawa niya araw-araw. ang una kong ginawa nung gumising ako, sinimulan ko ang pagpapakain ng aming alagang aso, pangalawa ay ang tanghalian, hinugasan ko ang aming pinagkainan lalo na ang pinggan at ang mga kaha na aking ginamit. 




pangatlo naman ay gumawa ako ng miryenda na siyang aking niluto, hindi man ako gaano kagaling magluto pero sinubukan ko dahil isa ito sa kailangan naming gawin, pang-apat naman ay aking binsibisan ang mga muting halaman ng aking ina, na siyang inaalagaan niya, binisbisan ko ito dahil sa sa mga gawain ng aking nanay lalo na sa pag-patak ng alas 4 ng hapon, panglima ay pinakain ko ng hapunan ang aming alagang aso pagkatapos ay pinapasok ko na silang dalawa sa kanilang lungga, pang-anim ay nagluto na ako ng aming hapunan o ulam, pagkatapos naming kumain hinugasan ko kaagad ang mga pinggan at kaha ( frying pan ) na siyang ginamit ko.

At habang nag eedit ako sa video bigla kong naisip na nakakapagod pala ang kanilang ginagawa, dahil hindi ito madali, dahil habang ginagawa ko ang kanyang ginagawa sa pang araw-araw ramdam ko yung pagod at bawat patak ng aking pawis na syang talagang pinaghirapan ng aking nanay para itaguyod niya ang kanyang pamilya, sa mahigit 10 taong pagiging sambahay ng aking nanay masasabi kong mahirap at nakakapagod talaga ang kanilang ginagawa at naisip ko na deserve niya ang day off na ito.





Comments

Popular posts from this blog

MISYON SA BUHAY JOURNAL