"Napapanahong Isyu"
Maraming rason kung bakit tayo naghihirap, isa sa mga rason kung bakit madaming tao ang siyang naghihirap ay dahil ito sa katamaran ng tao, dahil ito sa mga bisyo na siyang nagpapakalulong ang iba, na imbis humanap ng trabaho ang kanilang ginagawa ay nagsusugal, nag-iinom, gumagamit ng mga drogang pinagbabawal gamitin, at ang iba ay siyang tamad na lamang maghanap ng trabaho dahil nagpapaka sarap lamang sa bahay at siyang hindi naghahanap ng paraan upang matulungan at makaahon sa kahirapan. Naghihirap ang ating bansa dahil lamang sa kakulangan ng ating pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat isa, tulad nalamang ng mga korporasyon, krisis, kakulangan sa disiplina at madami pang iba ang siyang hinaharap natin. Yan ang mga isa sa mga dahilan kung bakit nagiging mahirap ang ating bansa, at kung patuloy tayong may ganitong pag-uugali ano na lamang ang mangyayari sa atin, ang kinalalabasan neto ay wala, patuloy paring maghihirap ang ating bansa. Hindi kaya ng isang tao ang magpapabago ng isang bansa kung hindi tayo ang dapat magtutulungan dito, upang mabago natin ito, at dapat tayong siyang magtulungan para mapaunlad ito. Sa kahirapan natin wala tayong ibang ginagawa kung hindi ang isisi ang lahat ng masasamang nagyayari sa ating buhay sa namamalakad ng ating bansa. Tulad na lamang ng walang trabaho, walang makain, at iba pa ay sa kanila nalang ba natin dapat isisi? Lahat tayo ay may kasalanan sa mga nangyayari, huwag nating idamay ang ibang tayo sa mga kamalasan natin sa buhay dahil wala silang kinalaman doon. Nasa kamay ng bawat isa ang pakalaran ng buhay natin at kaunlaran ng bansa.
Pagtuuanan natin ng pansin ang mga isyung nagaganap sa ating bansa. para may maitulong tayo sa mga problema. Huwag na tayong maging kurakot sa mga mamamayan, lahat tayo ay nakikinabang sa lahat ng mayroon ang bawat isa. Sana ay maipagpatuloy natin ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa dahil pantay pantay lamang tayong mga mamamayan. Mayaman man o mahirap ay wala iyan sa estado ng buhay, tulungan natin ang mga mahihirap at mga batang walang makain, dahil sila ang dapat bigyang pansin. Simpleng pagtulong lamang sa mga mahihrap at sa ibang tao ay hindi ganoon kalaki ang mas mahalaga ay nakatulong tayo sa kanila sa mabuting paraan. maliit man o malaki ang naitulong natin sa kanila ay malaking bagay na iyon para sa kanila.
Isa sa mga na realize ko na habang bata pa tayo bigyan nating halaga ang ginagawa ng ating pamilya ngayon, dahil hindi sa lahat ng panahon siyang nakukuha natin ang ating gusto, madaming paraan upang masolusyonan ang kahirapan na siyang pinagdadaanan natin ngayon, tayo ang siyang nagkakaisa dito sa kahirapan na ito, kaya wag nating pairalin ang katamaran at ang siyang nagpapakalulong sa droga, nagsusugal, at siyang nag-iinom nalamang sa gilid ng kalsada, kaya baguhin natin ito dahil tayo lamang ang siyang nakakapag solusyon neto, dahil iisa tayo sa kahirapan na ito at tayo ang tanging solusyon neto.
Comments
Post a Comment