"JOURNAL"
Pagtatalatang siyang narinig ang pagbabago sa bawat isa sa kanila o sa bawat isa sa aking nakasama. Pagtatalatang siyang naging komportable at bukas sa isa't-isa. Sa aming pagtatalata madami akong narinig at maraming pagbabago na nagawa nila sa kanilang buhay, sabi nga nila upang may pagbabago kailangan mo munang pagdaanan ang mahihirap na sitwasyon upang magbigo ang pangyayaring ito, hindi madali ang pagsabi sa mga naging maling desisyon namin sa buhay. Aminin man natin o hindi minsan hindi tayo gaano ka komportable na ilahad sa ibang tao ang iyong mga napagdadaanan o siyang problema mo sa buhay, kase siguro sa taong iyon hindi ka gaano ka komportable kaya't hindi mo masabi kaagad ito.
Isa sa aking nakasama ay narinig ko ang kanyang pagtatalata na sinasabi niyang, "mas pinili ko ang isang tao kaysa sa mga kaibigan kong laging andyan para sa akin na handa ako damayan sa kung anong problema ang kinahaharap ko, nagsisi ako sa huli kase yung taong pinili ko iniwan rin naman ako, at yung tanging andyan lang para sa akin ay ang mga close friends ko, at sa huli ang ginawa ko ay bumawi ako sakanila" sa sitwasyon na iyan totoo din naman na minsan mas pipiliin mo yung kaisa-isang tao na inakala mong hindi ka iiwan oh hindi ka ttraydurin, ngunit sa huli magsisisi at magsisisi ka na mas inuuna mo siya kesa sa kaibigan mong laging andyan para sayo, at sa iba naman ay gumagawa siya kaagad ng mga bagay bagay na hindi pa niya napagdedeisyunan o hindi pinag-iisipan.
Madaming pagbabago ang nasabi nila gaya ng bumawi, unti unting na rrealize na hindi pwede gumawa ng isang bagay na hindi mo pa napagdedesiyunano hindi napag-iisipan, hanga ako sa kanilang mga naitalata, dahil sa lahat ng pinagdaanan nila nararamdaman kong mas naging matatag sila at mas naging malakas sila at nararamdaman kong kaya nilang harapin ang mga bagay na ito sa susunod na henerasyon, at sa aking sarili naman isa sa pinakanatutunan ko ay hindi sa lahat ng bagay na pinagdadaanan mo ay kailangan mong saktan ang sarili mo, dahil hindi ang tanging solusyon para mawala ang sakit na nararamdaman mo, lalo na kapag tungkol sa pamilya ang pinag-uusapan, pamilya ko sila kaya di ko magawang sabihan ang mama ko na ni minsan naging tama rin naman ako sa panahong inakala niyang mali ako.
Comments
Post a Comment