"KALAYAAN"



Kalayaan, kalayaan na siyang gusto nating maranasan. Kalayaan na aking gustong
makamit o gusto ko maranasan. Subalit hindi natin basta-bastang nakukuha o
nakakamit ang sinasabi natin kalayaan o ang sarili nating kalaayan, because it
really takes time. Minsan kasi yung tinatawag natin na kalayaan ay siyang
nagdudulot din ng kapahamakan sa atin sarili


Kalayaan, lahat tayo meron neto ngunit ito ay limitado, gaya ko binibigyan ako ng
limitasyon ng aking pamilya pumapayag sila ngunit sa isang kondisyon, kung saan
kailangan nasa tamang oras ang aking pag-uwi. Ngunit habang patagal ng patagal
ang panahon o dulot sa pandemya ngayon mas lalong nagbago ang ihip ng hangin
mas naging strikto sila o mas binabawalan na nila ako na lumabas ng bahay,
naiintindihan ko naman kung bakit, dahil nga sa panahon natin ngayon at dahil
hindi pa ako nakapag-vaccine at dahil minor padin naman ako, kaya
pinagbabawalan nila ako na wag na muna gumala dahil delikado na nga ang ating
kapaligiran ngayon.


Panahon, darating din ang tamang panahon na makakamit natin ang salitang
kalayaan o freedom, sa ating paglaki unti-unti nating makukuha ang mga bagay na
gusto nating kamitin nung tayo ay bata pa, at dahil kaya na nating buhayin ang
ating sarili o kaya na nating tulungan ang ating pamilya at kung tayo’y may kanya
kanyang trabaho masasabi na “kalayaan na gusto ko noon nakakamit ko na
ngayon”







Comments

Popular posts from this blog

SEKTOR NG LIPUNAN