MISYON SA BUHAY JOURNAL

 


MISYON SA AKING BUHAY


lahat tayo ay may kanya kanyang pangarap na gustong makamit sa ating buhay. halimbawa lahat tayo ay siyang gustong makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan natin ang ating mga magulang. nais nating matulungan sila bayad man lang sa ginawa nila para sa atin. magulang, minahal ko sila, at minahal nila ako ngunit minsan hindi maiiwasan ang sakit na siyang sila din ang dahilan kung bakit natin itong nararanasan o kung bakit ko ito nararanasan. ang ginawa nilang panglalait ang mga nakaka down na words ay siyang mas lalong nakakapagpapa-angat ng aking kalooban at mas gusto kong makamit ang aking pinapangarap sa buhay.


maging doctor, doctor ang siyang gusto kong pag-aralan dahil kapag pumupunta ako ng mga hospitals at nakakakita ng mga doctor ay mas lalo akong naganahan na maging doctor sa aking paglaki. one of the reasons why i wanna be a doctor it's because of my papa. ang aking papa ay siyang nagkasakit ng cancer noong 2013 o nung 2014, cancer na siyang napakapanganib sa buhay ng aking ama, cancer na nasa stage 4, siya ang naging rason kung bakit gusto kong makamit ang pagiging doctor. tapos nung 2018 o 2019 siya ay na operahan sa bandang likod sa kanyang spinal, tapos nung november 2020 siya ay tinanggalan ng gallbladder at siyang naghirap sa sakit, habang nakikita kong nahihirapan ang aking ama sa kanyang sitwasyon gusto ko siyang yakapin dahil nasasaktan ang aking puso na nasasaktan din siya. simula nun pinangako ko sa aking sarili na ako ay magiging isang matagumpay na doctor, at gagawin ko ito para sa kanya at para sa kanila, dahil aking pinapangako na tutulungan ko ang mga taong nangangailangan ng aking tulong.


pangarap, ang siyang aking kakamitin, gusto kong ipalaam sa aking pamilya na ginagawa ko ito para sa kanila para makabawi man lang ako sa lahat ng nagawa nila sa akin simula nung bata pa lamang ako. hinahanga ko ang aking mga magulang dahil they raised me very well, but for them i'm the problem. ngunit hindi ako titigil dahil kaya kong panindigan ang lahat ng ito. 

Comments

Popular posts from this blog