Depresyon sa Kabataan


Ang ating komunidad ay may nga problema na minsan narin natin itong gustong gawin ngunit alam nating nakakasira ito sa ating buhay kung magpapaapekto tayo dito. Pinili ko ang problemang ito dahil ayaw ko na may mga buhay na masisira pa. Ang problemang ito ay "SUICIDE".  Madaming rason kung bakit ang ibang tao ay nagpapakamatay dahil sa lungkot o tinatawag nating depresyon. 


Depresyon, ito ang nararamdaman sa nga taong pagod na sa araw-araw na pagkabuhay. Ito ay may halong emosyon na kung saan tayo ay malungkot, pagod na sa buhay, nararamdaman na wala ng andyan para sa atin, na minsan hindi nila pinapahalagahan ang ating mga nakakamit, na minsan tayo ay inaapi ng iba't-ibang tao, minsan na nararamdaman natin na ang ating buhay o pamilya ay wala ng pakialam sa atin. Ibang tao ay nakakaramdam din na tayo ay malungkot lang ng mag-isa. May mga taong gustong tapusin ang kanilang buhay ng dahil sa pagod, pagiging mapag-isa, at wala na tayong matatakbuhan sa ating problema kundi ang pagkakamatay nila. 

Ang pagkakamatay ay hindi isang matinong solusyon, at alam natin iyon. Madami sa atin ang binibigyan ng pasakit ang ating balat kahit alam nating hindi ito nakakatulong. Ito ay isang pahintulot sa mga kabataan na baguhin ang ating sarili, bakit? kasi hindi tayo nag-iisa sa lahat ng problema. Pwede tayong kakausap sa ating pamilya dahil alam nating sila ang andyan para sa atin. At kahit anong problema na ating makakasalubong ay may karapatan silang malaman lahat ng problema natin. 

Comments

Popular posts from this blog

SEKTOR NG LIPUNAN