"MGA TAONG TUMULONG SA AKIN"


Unang una sa lahat, ako ay nagpapasalamat dahil nakilala ko sila, isa sila sa mga taong nagpapasaya sa akin, walang kasing tamis ang aking ngiti lalo na't sa hindi inaasahang pangyayari.

Ika 24, 2019 ng Enero, Biyernes ng hapon, ang araw at petsa na kung saan hinding-hindi ko ito makakalimutan at ni isang katiting mananatili ito sa aking puso't isipan, sa mga nagdaang araw non nagkaroon kami ng malaking away sa pagitan ng aking ina at ako, sa hindi inaasahang pagkakataon sinabi ng aking ina na hindi siya babayad sa babayarin para sa family day na siyang magaganap sa Enero 26 2019, na kung saan na momroblema ako dahil hindi ko alam kung ano ang ipangbabayad ko sa catering at sa tshirt para sa family day. 


sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mga taong ito ay nagkaroon ng plano na kung saan naghati sila sa mga kailangang bayaran ko para sa cater at fam day tshirt, at hindi ko inaasahan na gagawin nila ito, pagkatapos, habang nagsasalita si Anne sa harap tinawag yung mga pangalan ng taong nakapagbayad na ng tshirt at cater at sa biglang tinawag ni anne ang aking pangalan at natulala ako na parang sabi ko "totoo ba ito?" tapos dun na sila kumanta ng 'happy birthday' kasi kinabukasan non ay ang aking kaarawan, hindi ko inaasahan na mangyayari iyon, tas bigla nalang akong naiyak na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil napakalaki ng utang na loob ko sakanila. 


sa mga taong ito na siyang tinulungan ako malaki ang utang na loob ko sa inyo hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan ng sobra ang alam ko lang binuo niyo ang kaarawan ko non ng isang malaking ngiti. maraming maraming salamat sa inyo. pinasaya nyo ako ng sobra, hindi niyo alam kung gaano ako nahiya sa ginawa niyo, pinaiyak niyo man ako pero naa-appreciate ko ang ginawa niyo.
 


Comments

Popular posts from this blog

MISYON SA BUHAY JOURNAL