Paalam
pamamaalam sa alaala nating dalawa.
akala ko madali ngunit mahirap naman pala.
pinipilit mang burahin sa puso't isipan.
ngunit pinipilit ko rin itong binabalikan.
ngiti kong abot hanggang tenga.
napalitan ng sakit na nadarama.
salitang tayo na aking binuo.
ngunit ito'y winasak mo.
tao lang naman ako na nagmamahal sayo.
tao na nasasaktan pag iniwan mo.
pagod na ako sa kakalaban para sayo.
ni hindi mo nga ako sinubukang ipaglaban sa piling mo.
iniwan mo ako sa salitang "pagod na ako"
minsan na rin akong napagod sayo.
ngunit hindi ako sumuko.
dahil gusto kong malaman mo na lahat ng ito'y totoo.
ang relasayong kay sigla.
napalitan na pala ng salitang "walang gana"
naramdam na kaligayaha'y hindi na ako.
at mananatili ito hanggang dulo.
pagmamahal sa iyo'y totoo.
ngunit parang biro lamang para sayo.
mahirap kang bitawan.
dahil,andito ka sa aking puso't isipan.
puso'y aking nasaktan.
pero kaya pa namang lumaban.
at patuloy na lalaban.
para sa aking kinabukasan.
oras na para ikay kalimutan.
dahil alam kong wala ng babalikan.
salamat sa alaalang pinunan mo sa puso ko.
ngunit pagod na rin ako kaya salamat sayo.
Comments
Post a Comment